Isang 18-anyos na lalaki na kabilang sa SLI list ang naaresto sa isinagawang anti-illegal drug operation ng Police Station 2 – Drug Enforcement Unit (SPDEU) sa Barangay West Tapinac, Olongapo City noong Abril 30, 2026.
Ang suspek ay binata, walang trabaho, at residente ng Barangay Sta. Rita.
Naganap ang buy-bust operation bandang alas-7:15 ng gabi sa isang bahay sa Basa Street.
Sa operasyon, nakumpiska mula sa suspek ang dalawang heat-sealed plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may tinatayang kabuuang timbang na 1.17 gramo at may Standard Drug Price na ₱7,956.00. Narekober din ang ₱200 na ginamit bilang marked money.
Dinala ang suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya sa Police Station 2 para sa kaukulang dokumentasyon.