Isang 23-anyos na lalaki na kabilang sa SLI list ang naaresto sa isinagawang anti-illegal drug operation ng Police Station 3 – Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa Barangay East Tapinac, Olongapo City noong Abril 26, 2026.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Dudong,” binata, walang trabaho, at residente ng Gordon Heights.
Naganap ang buy-bust operation bandang alas-9:05 ng gabi sa harap ng isang bahay sa Bacon Street.
Sa operasyon, nakumpiska mula sa suspek ang tatlong plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may tinatayang kabuuang timbang na 1.41 gramo at may Standard Drug Price na ₱9,588.00. Narekober din ang ₱200 na ginamit bilang buy-bust money.
Dinala ang suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya sa Police Station 3 para sa kaukulang dokumentasyon.