Dalawang indibidwal, kabilang ang isang High Value Individual (HVI) at isang SLI listed, ang naaresto sa isinagawang anti-illegal drug operation ng pinagsanib na puwersa ng City Police Drug Enforcement Unit (CPDEU) at Police Station 1 – Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa Barangay East Bajac-Bajac, Olongapo City noong Abril 26, 2026.
Kinilala ang mga suspek sa alyas na “Bok-Bok,” 27 taong gulang, at isang HVI listed; at “Onad,” 49 taong gulang, isang pintor at kabilang sa SLI list. Sila ay mga residente ng Olongapo City at Dinalupihan, Bataan.
Naganap ang buy-bust operation bandang alas-10:20 ng gabi sa kahabaan ng Afable Street.
Sa operasyon, nakumpiska mula sa mga suspek ang apat na heat-sealed plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may tinatayang kabuuang timbang na 6.6 gramo at may Standard Drug Price na ₱44,800.00. Narekober din ang ₱500 na ginamit bilang buy-bust money, pati na isa pang ₱500 na cash.
Dinala ang mga suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya sa tanggapan ng CPDEU para sa kaukulang disposisyon.