Offline
₱8.5K HALAGANG SHABU, KUMPISKADO SA STA. RITA
By Administrator
Published on 28/04/2026 18:56 • Updated 13/05/2026 18:32
News

Isang 37-anyos na lalaki na kabilang sa SLI list ang naaresto sa isinagawang anti-illegal drug operation ng Police Station 5 – Drug Enforcement Unit (PS5-DEU) sa Barangay Sta. Rita, Olongapo City noong Abril 25, 2026.

 

Ang suspek ay binata, walang trabaho, at residente ng Barangay Old Cabalan.

 

Naganap ang buy-bust operation bandang alas-10:10 ng gabi sa kahabaan ng Camia Street.

 

Sa operasyon, nakumpiska mula sa suspek ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu na may tinatayang kabuuang timbang na 1.25 gramo at may Standard Drug Price na ₱8,500.00. Narekober din ang tatlong tig-₱100 na ginamit bilang marked money.

 

Dinala ang suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya para sa kaukulang disposisyon.

Comments

Chat Online