Bandang alas-3:00 ng madaling araw ng Abril 19, 2026 nang kusang sumuko ang isang lalaki sa Caloocan Victory Liner Terminal sa Monumento, South Caloocan City.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Ruby,” 44 taong gulang, walang asawa, walang trabaho, at residente ng Barangay New Cabalan, Olongapo City.
Ayon sa ulat, nagsimula ang operasyon matapos makatanggap ng tawag ang mga awtoridad bandang alas-7:15 ng gabi ng Abril 18, 2026 mula sa isang complainant na nagpahayag na handa nang sumuko ang kanyang kapatid. Sa tulong ng isang tauhan ng TIU, agad na nagsagawa ng koordinasyon ang mga operatiba.
Bandang alas-8:45 ng gabi, nagtungo ang pinagsanib na puwersa ng Police Station 4, CIU, CIDMU, OCMFC, TIU OCPO, at RID3 sa nasabing terminal kung saan matagumpay nilang nakumbinsi ang suspek na sumuko.
Matapos ang pagsuko, dinala ang suspek sa Police Station 4 para sa kaukulang disposisyon.