Isang 21-anyos na lalaki na isang newly identified drug personality ang naaresto sa isinagawang anti-illegal drug operation ng pinagsanib na puwersa ng City Police Drug Enforcement Unit (CPDEU) at Police Station 1 – Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa Barangay East Bajac-Bajac, Olongapo City noong madaling araw ng Abril 23, 2026.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Kikoy,” binata, walang trabaho, at residente ng Dinalupihan, Bataan.
Naganap ang buy-bust operation bandang alas-4:45 ng madaling araw sa kanto ng Dahl at Elicaño Streets.
Sa operasyon, nakumpiska mula sa suspek ang tatlong heat-sealed plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may tinatayang kabuuang timbang na 2 gramo at may Standard Drug Price na ₱13,600.00. Narekober din ang ₱500 na ginamit bilang buy-bust money.
Dinala ang suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya sa tanggapan ng CPDEU para sa kaukulang disposisyon.