Offline
BUY-BUST OPERATION SA STA. RITA, ISA ARESTADO
By Administrator
Published on 24/04/2026 20:13 • Updated 13/05/2026 18:34
News

Isang 39-anyos na lalaki na kabilang sa SLI list ang naaresto sa isinagawang anti-illegal drug operation ng Police Station 5 – Station Drug Enforcement Unit (PS5-DEU) sa Barangay Sta. Rita, Olongapo City noong Abril 21, 2026.

 

Kinilala ang suspek sa alyas na “Emong,” binata, walang trabaho, at residente ng Mabolo Street, Purok 1 sa nasabing barangay.

 

Naganap ang buy-bust operation bandang alas-9:40 ng gabi sa kahabaan ng Sta. Rita Road.

 

Sa operasyon, nakumpiska mula sa suspek ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu na may tinatayang kabuuang timbang na 1.15 gramo at may Standard Drug Price na ₱7,820.00. Narekober din ang tatlong tig-₱100 na ginamit bilang marked money.

 

Dinala ang suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya sa Police Station 5 para sa kaukulang disposisyon.

Comments

Chat Online