Isang 29-anyos na lalaki na kabilang sa SLI list ang naaresto sa isinagawang anti-illegal drug operation ng Police Station 5 – Drug Enforcement Unit (PS5-DEU) sa Barangay Gordon Heights, Olongapo City noong Abril 19, 2026.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Abu,” binata, walang trabaho, at residente ng Upper Gordon Heights.
Naganap ang buy-bust operation bandang alas-6:50 ng gabi sa Block 8 ng nasabing barangay.
Sa operasyon, nakumpiska mula sa suspek ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu na may tinatayang kabuuang timbang na 1.04 gramo at may Standard Drug Price na ₱7,072.00. Narekober din ang tatlong tig-₱100 na ginamit bilang marked money.
Dinala ang suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya sa Police Station 5 para sa kaukulang disposisyon.