Dalawang lalaki ang naaresto sa isinagawang anti-illegal drug operation ng pinagsanib na puwersa ng City Police Drug Enforcement Unit (CPDEU) at Police Station 3 – Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa Barangay New Asinan, Olongapo City noong Abril 18, 2026.
Kinilala ang mga suspek sa alyas na “Muslim,” 34 taong gulang at isang pintor, at isa pang 28-anyos na lalaki na kapwa newly identified drug personalities. Sila ay mga residente ng East Bajac-Bajac at Gordon Heights.
Naganap ang buy-bust operation bandang alas-10:30 ng gabi sa kahabaan ng Alba Street.
Sa naturang operasyon, nakumpiska mula sa mga suspek ang tatlong heat-sealed plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may tinatayang kabuuang timbang na 2.6 gramo at may Standard Drug Price na ₱17,680.00. Narekober din ang ₱500 na ginamit bilang buy-bust money.
Dinala ang mga suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya sa tanggapan ng CPDEU para sa kaukulang disposisyon.