Offline
DALAWANG SLI LISTED NA SUSPEK, TIMBOG SA BUY-BUST SA STA. RITA
By Administrator
Published on 19/04/2026 15:43
News

Dalawang indibidwal na kapwa kabilang sa SLI list ang naaresto sa isinagawang anti-illegal drug operation ng Police Station 5 – Drug Enforcement Unit sa Barangay Sta. Rita, Olongapo City noong Abril 16, 2026.

 

Kinilala ang mga suspek sa alyas na “Nog-Nog,” 23 taong gulang, at “Ange,” 35 taong gulang. Pareho silang walang asawa, walang trabaho, at residente ng Barangay West Bajac-Bajac.

 

Naganap ang buy-bust operation bandang alas-8:05 ng gabi sa kahabaan ng Clark Street.

 

Sa operasyon, nakumpiska ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na humigit-kumulang 1.1 gramo at may Standard Drug Price na ₱7,480.00. Narekober din ang tatlong tig-₱100 na ginamit bilang marked money.

 

Matapos ang operasyon, dinala ang mga suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya sa Police Station 5 para sa kaukulang disposisyon.

Comments

Chat Online