Offline
HVI NA SUSPEK NA SI “UNTOG,” TIMBOG SA BUY-BUST SA WEST TAPINAC
By Administrator
Published on 17/04/2026 12:22
News

Isang High Value Individual (HVI) na kilala sa alyas na “Untog” ang naaresto sa isinagawang anti-illegal drug operation ng Police Station 2 – Station Drug Enforcement Unit (SPDEU) sa Barangay West Tapinac, Olongapo City noong Abril 14, 2026.

 

Ang suspek ay 46 taong gulang, walang asawa, walang trabaho, at residente ng Barangay Pag-asa sa nasabing lungsod.

 

Naganap ang buy-bust operation bandang alas-6:55 ng gabi sa loob ng isang bahay sa 12th Street.

 

Sa naturang operasyon, nakumpiska mula sa suspek ang dalawang heat-sealed plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may tinatayang kabuuang timbang na 0.67 gramo at may standard drug price na ₱3,740.00. Narekober din ang dalawang tig-₱100 na ginamit bilang marked money.

 

Dinala ang suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya sa Police Station 2 para sa kaukulang dokumentasyon.

Comments

Chat Online