Isang 40-anyos na lalaki na kabilang sa SLI list ang naaresto sa isinagawang anti-illegal drug operation ng Police Station 5 – Station Drug Enforcement Unit (PS5-SDEU) sa Barangay Sta. Rita, Olongapo City noong Abril 11, 2026.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Balweg,” may asawa ngunit walang trabaho, at residente ng Purok 5C sa nasabing barangay.
Naganap ang buy-bust operation bandang alas-10:20 ng gabi sa kahabaan ng Camia Street.
Sa operasyon, nakumpiska mula sa suspek ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu na may tinatayang kabuuang timbang na 1.05 gramo at may Standard Drug Price na ₱7,140.00. Narekober din ang tatlong tig-₱100 na ginamit bilang marked money.
Dinala ang suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya sa Police Station 5 para sa kaukulang disposisyon.