Offline
₱13K HALAGANG SHABU, KUMPISKADO SA OPERASYON KONTRA DROGA SA NEW CABALAN
By Administrator
Published on 15/04/2026 09:11
News

Isinagawa ng Police Station 4 – Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang isang buy-bust operation sa Barangay New Cabalan, Olongapo City na nagresulta sa pagkakaaresto ng isang SLI listed na indibidwal noong Abril 13, 2026.

 

Bandang alas-6:20 ng gabi nang ikasa ang operasyon sa kahabaan ng Venus Street, Purok 7, kung saan nadakip ang suspek na kilala sa alyas na “Ave,” 38 taong gulang, binata, walang trabaho, at residente ng Barangay Barretto.

 

Sa isinagawang operasyon, nasamsam ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 2.02 gramo at tinatayang halaga na ₱13,736.00. Narekober din ang dalawang tig-₱100 na ginamit bilang marked money.

 

Matapos ang operasyon, dinala ang suspek at ang mga ebidensya sa Police Station 4 para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon.

Comments

Chat Online