Offline
21-ANYOS NA LALAKI, HULI SA BUY-BUST OPERATION SA WEST TAPINAC
By Administrator
Published on 14/04/2026 12:54
News

Isang lalaki na kabilang sa SLI list ang naaresto sa isinagawang anti-illegal drug operation ng pinagsanib na puwersa ng City Police Drug Enforcement Unit (CPDEU) at Police Station 2 – Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa Barangay West Tapinac, Olongapo City noong gabi ng Abril 11, 2026.

 

Kinilala ang suspek sa alyas na “Eric,” 21 taong gulang, walang asawa, walang trabaho, at residente ng 3rd Street sa nasabing barangay.

 

Naganap ang buy-bust operation bandang alas-9:30 ng gabi sa kahabaan ng Basa Street.

 

Sa naturang operasyon, nakumpiska mula sa suspek ang apat na heat-sealed plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may tinatayang kabuuang timbang na 1.7 gramo at may Standard Drug Price na ₱11,560.00. Narekober din ang ₱500 na ginamit bilang buy-bust money.

 

Dinala ang suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya sa tanggapan ng CPDEU para sa kaukulang disposisyon.

 

Comments

Chat Online