Isang lalaki na kabilang sa SLI list ang naaresto sa isinagawang anti-illegal drug operation ng Police Station 3 – Station Police Drug Enforcement Unit (SPDEU) sa Barangay East Tapinac, Olongapo City noong gabi ng Abril 4, 2026.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Jovan,” 36 taong gulang, walang asawa, walang trabaho, at residente ng Purok 1, Abra Street, Barangay Barretto, Olongapo City.
Naganap ang buy-bust operation bandang alas-10:25 ng gabi sa harap ng No. 9 Bacon Street.
Sa naturang operasyon, nakumpiska mula sa suspek ang apat na plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may tinatayang kabuuang timbang na 1.83 gramo at may Standard Drug Price na ₱12,444.00. Narekober din ang ₱200 na ginamit bilang buy-bust money.
Dinala ang suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya sa Police Station 3 para sa kaukulang dokumentasyon.