Offline
42-ANYOS NA LALAKI, HULI SA ANTI-DROGA OPERASYON SA STA RITA
By Administrator
Published on 05/04/2026 21:47
News

Isang 42-anyos na lalaki na kabilang sa SLI list ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng Police Station 5 – Station Drug Enforcement Unit (PS5-SPDEU) sa Barangay Sta. Rita, Olongapo City noong gabi ng Abril 4, 2026.

 

Kinilala ang suspek bilang si Randy Quiocson y Bedrejo, walang asawa, walang trabaho, at residente ng Sta. Rita Road sa nasabing barangay.

 

Naganap ang operasyon bandang alas-11:35 ng gabi sa kahabaan ng Sta. Rita Road.

 

Sa isinagawang operasyon, nakumpiska mula sa suspek ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu na may tinatayang kabuuang timbang na 1.35 gramo at may standard drug price na ₱9,180.00. Narekober din ang tatlong tig-₱100 na ginamit bilang marked money.

 

Dinala ang suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya sa Police Station 5 para sa kaukulang disposisyon.

Comments

Chat Online