Offline
SLI LISTED NA SUSPEK NA SI “EMAN,” TIMBOG SA BUY-BUST SA EAST BAJAC-BAJAC
By Administrator
Published on 04/04/2026 20:34
News

Isang Street Level Individual (SLI) listed na suspek ang naaresto sa isinagawang anti-illegal drug operation ng Police Station 1 – Station Drug Enforcement Unit (SPDEU) sa Barangay East Bajac-Bajac, Olongapo City nitong madaling araw ng Abril 4, 2026.

 

Kinilala ang suspek sa alyas na “Eman,” 27 taong gulang, binata, walang trabaho, at residente ng Purok 1, Barangay Sta. Rita, Olongapo City.

 

Naganap ang buy-bust operation bandang 2:50 ng madaling araw sa Afable Street sa ilalim ng Target Intelligence Packet (TIP) control number B-2026-0012-PRO3-OCPO-PS1.

 

Sa naturang operasyon, nakumpiska mula sa suspek ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu na may tinatayang kabuuang timbang na 0.85 gramo at may standard drug price na ₱5,780.00. Narekober din ang ₱200 na ginamit bilang marked money.

 

Dinala ang suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya sa Police Station 1 para sa kaukulang disposisyon.

Comments

Chat Online