Isang lalaki ang naaresto ng mga operatiba ng Police Station 4 – Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa isinagawang pagpapatupad ng search warrant sa Barangay Old Cabalan, Olongapo City noong Marso 31, 2026.
Kinilala ng pulisya ang suspek sa alyas na “Emil,” 33 taong gulang, walang asawa, walang trabaho, at residente ng Purok 1, Mactan, Barangay Old Cabalan.
Isinagawa ang operasyon bandang 9:25 ng gabi sa ilalim ng Target Intelligence Packet (TIP) control number I-2026-019-PRO3-OCPO-PS4, na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek.
Sa implementasyon ng search warrant, nakumpiska mula sa suspek ang apat na sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may tinatayang kabuuang timbang na 5.61 gramo at may Standard Drug Price na ₱38,148.00.
Matapos ang operasyon, dinala ang suspek at ang mga nasamsam na ebidensya sa Police Station 4 para sa kaukulang dokumentasyon.