Offline
₱20K HALAGANG SHABU, KUMPISKADO SA BUY-BUST OPERATION SA STA. RITA
By Administrator
Published on 30/03/2026 19:33
News

Isang 36-anyos na lalaki na kabilang sa SLI list ang naaresto sa isinagawang anti-illegal drug operation sa Barangay Sta. Rita, Olongapo City nitong Marso 28, 2026.

 

Kinilala ng pulisya ang suspek sa alyas na “Biboy”, residente ng Mabolo Street, Purok 1, Barangay Sta. Rita.

 

Pinangunahan ng City Police Drug Enforcement Unit (CPDEU) katuwang ang Police Station 5 Station Drug Enforcement Unit (PS5-SDEU) ang buy-bust operation na isinagawa sa isang eskinita sa kahabaan ng Sta. Rita Road, Purok 1, bandang 9:50 ng gabi.

 

Sa operasyon, nakumpiska mula sa suspek ang limang heat-sealed plastic na naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na tinatayang 3 gramo at may Standard Drug Price na ₱20,400.00. Narekober din ang ₱500 buy-bust money na ginamit sa operasyon.

 

Matapos ang operasyon, dinala ang suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya sa tanggapan ng CPDEU para sa kaukulang disposisyon.

Comments

Chat Online