Naaresto ng Police Station 5 – Station Drug Enforcement Unit (PS5-SPDEU) ang isang SLI listed na suspek sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Gordon Heights, Olongapo City noong Marso 27, 2026.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Mac-Mac,” 35 taong gulang, walang asawa at walang trabaho, na residente rin ng nasabing barangay.
Naganap ang operasyon bandang 10:55 ng gabi sa kahabaan ng Block 6 Casoy Street.
Sa isinagawang operasyon, nakumpiska mula sa suspek ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu na may tinatayang kabuuang timbang na 1.1 gramo at may Standard Drug Price na ₱7,480.00. Narekober din ang tatlong tig-₱100 na ginamit bilang marked money.
Dinala ang suspek at ang mga nakuhang ebidensya sa Police Station 5 para sa kaukulang disposisyon.