Naaresto ng Police Station 1 – Station Drug Enforcement Unit (SPDEU) ang isang SLI listed na suspek sa isinagawang buy-bust operation sa Davidson Street, Barangay West Bajac-Bajac, Olongapo City noong Marso 22, 2026.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Alex,” 53 taong gulang, walang asawa at walang trabaho, na residente ng Barangay Old Cabalan, Olongapo City.
Isinagawa ang operasyon bandang 11:23 ng gabi sa ilalim ng Target Intelligence Packet (TIP) control number B-2026-0011-PRO3-OCPO-PS1.
Sa naturang operasyon, nakumpiska mula sa suspek ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu na may tinatayang kabuuang timbang na 0.99 gramo at may Standard Drug Price na ₱6,732.00. Narekober din ang ₱200 na ginamit bilang marked money.
Dinala ang suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya sa Police Station 1 para sa kaukulang disposisyon.