Isang lalaking kabilang sa SLI list ang nadakip ng Police Station 1 – Station Drug Enforcement Unit (SPDEU) sa isinagawang anti-illegal drug operation sa Barangay East Bajac-Bajac, Olongapo City noong Marso 20, 2026.
Ang suspek, na kilala sa alyas na “Ipin,” ay 43 taong gulang, walang asawa at walang trabaho, at residente ng Barangay New Ilalim sa nasabing lungsod.
Ayon sa ulat, isinagawa ang buy-bust operation sa Ramos Street bandang 6:40 ng gabi.
Sa operasyon, nasamsam ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na tinatayang 0.88 gramo na nagkakahalaga ng humigit-kumulang ₱6,120. Bukod dito, narekober din ang ₱200 na ginamit bilang marked money.
Dinala ang suspek at ang mga ebidensya sa Police Station 1 para sa kaukulang dokumentasyon at susunod na hakbang.