Naaresto ng Police Station 5 – Station Drug Enforcement Unit (PS5-SPDEU) ang isang SLI listed na suspek sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Sta. Rita, Olongapo City noong Marso 17, 2026.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Wanie,” 31 taong gulang, binata at isang pintor, na ipinanganak sa Olongapo City at kasalukuyang residente ng Julo Street, Tabacuhan Road, Barangay Sta. Rita.
Isinagawa ang operasyon sa kahabaan ng Del Rosario Street, Tabacuhan bandang 9:50 ng gabi sa ilalim ng Target Intelligence Packet (TIP) control number B-2026-09-PRO3-OCPO-PS5.
Sa naturang operasyon, nakumpiska ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu na may tinatayang kabuuang timbang na 1.08 gramo at may Standard Drug Price na ₱7,344.00. Narekober din ang tatlong tig-₱100 na ginamit bilang marked money.
Dinala ang suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya sa Police Station 5 para sa kaukulang disposisyon.