Offline
37-ANYOS NA LALAKI, HULI SA ANTI-DROGA OPERASYON SA NEW CABALAN
By Administrator
Published on 22/03/2026 13:37
News

Bandang 9:40 ng gabi noong Marso 19, 2026, nadakip ang isang SLI listed na suspek sa isinagawang buy-bust operation sa kahabaan ng Libas Street, Purok 1, Barangay New Cabalan, Olongapo City.

 

Pinangunahan ang operasyon ng Police Station 4 – Station Drug Enforcement Unit (SDEU).

 

Kinilala ang suspek sa alyas na “Chuckie,” 37 taong gulang, walang asawa at walang trabaho, na residente ng Jones Street, Barangay New Kalalake, Olongapo City.

 

Sa naturang operasyon, nakumpiska mula sa suspek ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu na may tinatayang kabuuang timbang na 3.1 gramo at may Standard Drug Price na ₱21,080.00. Narekober din ang tatlong tig-₱100 na ginamit bilang marked money.

 

Dinala ang suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya sa Police Station 4 para sa kaukulang disposisyon.

Comments

Chat Online