Offline
DALAWANG SUSPEK NA SLI LISTED, NAARESTO SA NEW ASINAN KASAMA ANG 5 GRAMONG SHABU
By Administrator
Published on 16/03/2026 09:09 • Updated 17/03/2026 09:31
News

Naaresto ng Philippine Drug Enforcement Unit (CPDEU) katuwang ang PS3 Station Drug Enforcement Unit ang dalawang SLI listed na suspek sa isang buy-bust operation sa Alba Street, Barangay New Asinan, Olongapo City, noong gabi ng Marso 14, 2026.

 

Ang mga naaresto ay kilala sa alyas na “Tisoy”, 43 taong gulang, at “K.R.”, 25 taong gulang, parehong walang trabaho at residente ng Olongapo City.

 

Ayon sa ulat, nasamsam mula sa mga suspek ang limang plastic sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na tinatayang 5 gramo, na may halaga na Php34,000. Narekober din ang Php500 na ginamit bilang buy-bust marked money.

 

Ang operasyon ay isinagawa sa ilalim ng Target Intelligence Packet control number B-2026-007-PRO3-OCPO-CDEU. Ang mga suspek at nasamsam na ebidensya ay dinala sa opisina ng CPDEU para sa dokumentasyon at karampatang aksyon.

Comments

Chat Online