Limang katao, kabilang ang isang SLI-listed na suspek, ang naaresto sa isang anti-illegal drug operation sa Barangay New Kalalake, Olongapo City, nitong Marso 6, 2026. Ang operasyon ay pinangunahan ng Police Station 3 Station Drug Enforcement Unit (PS3-SDEU) kasama ang PDEA RO3.
Kasama sa mga naaresto si alyas “Tenga” at apat pang lalaki na may edad mula 25 hanggang 39, lahat single at walang trabaho, na nakatira sa iba’t ibang bahagi ng Barangay New Kalalake at Barangay Pag-asa.
Sa operasyon, nakumpiska ang tatlong sachet ng pinaghihinalaang shabu na may kabuuang timbang na humigit-kumulang 3.16 gramo at may standard drug price na Php21,488.00. Nakuha rin ang iba’t ibang gamit na kaugnay ng droga. Ang lahat ng suspek at nasamsam na ebidensya ay dinala sa PS3 para sa dokumentasyon at karampatang disposisyon.