Offline
SUSPEK NAARESTO SA STA. RITA, 4 NA SACHET NG SHABU NASAMSAM
By Administrator
Published on 07/03/2026 19:51
News

Isinagawa ng Police Station 5 – Station Drug Enforcement Unit (PS5-SPDEU) ang isang anti-illegal drug (buy-bust) operation sa Sta. Rita Road, Barangay Sta. Rita, Olongapo City bandang 10:00 PM ng Marso 5, 2026.

 

Sa operasyon, naaresto ang suspek at nakumpiska ang apat (4) na sachet ng pinaghihinalaang “shabu” na may timbang na humigit-kumulang 1.12 gramo, na may halagang Php7,616. Narekober din ang tatlong (3) piraso ng Php100.00 bilang marked money. Ang suspek at mga nakumpiskang ebidensya ay dinala sa PS5 para sa kaukulang disposisyon.

Comments

Chat Online