Offline
BUY-BUST OPERATION SA WEST TAPINAC, ISA ARESTADO
By Administrator
Published on 07/03/2026 19:39
News

Bandang 8:25 ng gabi noong Marso 5, 2026, nadakip ng Police Station 2 – Station Drug Enforcement Unit (SPDEU) ang isang SLI listed na suspek sa No. 11-A 5th Street, Barangay West Tapinac, Olongapo City.

 

Kinilala ang suspek bilang isang 26-anyos na lalaki, walang asawa at walang trabaho, na residente ng Mahogany Street, Barangay Barretto, Olongapo City.

 

Sa isinagawang buy-bust operation sa ilalim ng Target Intelligence Packet (TIP) control number B-2026-010-PRO3-OCPO-PS2, nakumpiska mula sa suspek ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu na may tinatayang kabuuang timbang na 0.57 gramo at may Standard Drug Price na ₱3,876.00. Narekober din ang dalawang tig-₱100 na ginamit bilang marked money.

 

Dinala ang suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya sa Police Station 2 para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Comments

Chat Online