Offline
RETIRADONG PNP AT SLI LISTED NA INDIBIDWAL, TIMBOG SA BUY-BUST SA NEW CABALAN
By Administrator
Published on 07/03/2026 19:28
News

Bandang 11:05 ng gabi noong Marso 2, 2026, nadakip ang dalawang suspek sa isinagawang buy-bust operation sa Liwanag Street, Purok 4, Barangay New Cabalan, Olongapo City dahil sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

Pinangunahan ang operasyon ng Police Station 4 – Station Drug Enforcement Unit (SDEU) katuwang ang City Intelligence Unit ng Olongapo City Police Office.

 

Kabilang sa mga naaresto ang isang 35-anyos na lalaki na SLI listed at residente ng Liwanag Street, Barangay New Cabalan, at isang 51-anyos na lalaki na retiradong PNP personnel at bagong tukoy na drug personality na residente naman ng Barangay Gordon Heights, Olongapo City.

 

Sa operasyon na isinagawa, nakumpiska mula sa mga suspek ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu na may tinatayang kabuuang timbang na 31.7 gramo at may Standard Drug Price na ₱215,560.00. Narekober din ang tatlong pirasong ₱1,000 na ginamit bilang marked money.

 

Dinala ang mga suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya sa Police Station 4 para sa kaukulang disposisyon.

Comments

Chat Online