Bandang 9:55 ng gabi noong Marso 2, 2026, naaresto ang isang SLI listed na suspek sa isinagawang buy-bust operation sa Canda Street, Barangay East Bajac-Bajac, Olongapo City.
Isinagawa ang operasyon ng Police Station 1 – Station Drug Enforcement Unit (SPDEU) sa ilalim ng Target Intelligence Packet (TIP) control number B-2026-008-PRO3-OCPO-PS1.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Bok,” 28 taong gulang, walang asawa, walang trabaho, at residente ng Barangay Kalaklan, Olongapo City.
Sa naturang operasyon, nakumpiska mula sa suspek ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu na may tinatayang kabuuang timbang na 1.15 gramo at may Standard Drug Price na ₱7,820.00. Narekober din ang ₱200 na ginamit bilang marked money.
Dinala ang suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya sa Police Station 1 para sa kaukulang disposisyon.