Bandang 12:50 ng madaling-araw noong Pebrero 10, 2026, inaresto ang isang 34-anyos na lalaki sa bisa ng Search Warrant sa Barangay New Banicain, Olongapo City.
Isinagawa ng Police Station 2 – Station Drug Enforcement Unit (SPDEU) ang operasyon sa ilalim ng Target Intelligence Packet (TIP) Control Number B-2026-007-PRO3-OCPO-PS2. Sa implementasyon ng search warrant, nadakip ang suspek at nakumpiska ang isang itim na pouch na naglalaman ng dalawang sachet ng hinihinalang shabu na may tinatayang kabuuang timbang na 1.77 gramo, na may Standard Drug Price (SDP) na ₱12,036.00.
Ang suspek, na kilala rin sa alyas na “EJ,” ay walang asawa at walang trabaho. Dinala siya at ang mga nakuhang ebidensya sa PS2 para sa kaukulang dokumentasyon.