Isang 26-anyos na babae na kabilang sa SLI ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya bandang 10:30 ng gabi noong Pebrero 9, 2026 sa Rose Street, Purok 5, Barangay New Cabalan, Olongapo City.
Ang operasyon ay isinagawa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Police Station 4 sa ilalim ng Tactical Intelligence Packet Control No. B-2026-009-PRO3-OCPO-PS4. Sa nasabing operasyon, nakumpiska ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na humigit-kumulang 2.2 gramo, na may tinatayang standard drug price na ₱14,960.00. Narekober din ang tatlong tig-₱100 na perang ginamit bilang marked money.
Ang suspek, isang dalagang walang trabaho at residente ng Barangay Tabacuhan, Olongapo City, ay inaresto dahil sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Dinala ang suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya sa Police Station 4 para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.