Offline
₱700K HALAGA NG MARIJUANA NASAMSAM SA BUY-BUST SA NEW CABALAN
By Administrator
Published on 11/02/2026 09:25
News

Dalawang bagong tukoy na high value individual (HVI) ang naaresto sa isang buy-bust operation na isinagawa bandang alas-3:35 ng madaling-araw noong Pebrero 10, 2026 sa Purok 6, Limbas Street, Barangay New Cabalan, Olongapo City.

 

Ang operasyon ay pinangunahan ng City Police Drug Enforcement Unit (CPDEU) katuwang ang Police Station 4 – Station Drug Enforcement Unit (SDEU). Sa isinagawang operasyon, nakumpiska mula sa mga suspek ang pitong heat-sealed plastic na naglalaman ng hinihinalang high-grade “kush” marijuana na may kabuuang timbang na humigit-kumulang 490 gramo at tinatayang halagang ₱588,000, gayundin ang isang kilo ng hinihinalang marijuana na nagkakahalaga ng ₱120,000.

 

Narekober din ng mga awtoridad ang ₱3,000 na ginamit bilang buy-bust money. Ang mga naarestong suspek ay kapwa lalaki, nasa edad 29 at 26, walang asawa at walang hanapbuhay, at residente ng Bataan at Olongapo City.

 

Isinagawa ang operasyon sa ilalim ng Target Intelligence Packet Control No. A-2026-003-PRO3-OCPO-CDEU. Dinala ang mga suspek at lahat ng nakumpiskang ebidensya sa tanggapan ng CPDEU para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Comments

Chat Online