Offline
₱334K HALAGANG ILEGAL NA SIGARILYO, NASAMSAM SA EAST BAJAC-BAJAC
By Administrator
Published on 10/02/2026 19:48
News

Nasamsam ang mga iligal na sigarilyo sa isang operasyon na isinagawa bandang 11:10 ng gabi noong Pebrero 9, 2026 sa tabi ng Olongapo City New Public Market sa 21st Street, Barangay East Bajac-Bajac, Olongapo City, kaugnay ng paglabag sa Section 263A ng National Internal Revenue Code of 1997.

 

Ang operasyon ay pinangunahan ng Police Station 1 (PS1) katuwang ang City Intelligence Unit–OCPO, Olongapo City Mobile Force Company (OCMFC), RID3, at isang kinatawan ng Philippine Tobacco Institute mula sa Regional Offices I at III. 

 

Walang naitalang pagkakakilanlan ang mga sangkot na suspek.

 

Sa nasabing operasyon, nakumpiska ang iba’t ibang brand ng filtered cigarettes na may tinatayang kabuuang halaga na ₱334,400.00. Kabilang dito ang tatlong master case ng Modern, isang master case ng RGD, dalawang master case ng Carnival, at iba pang reams ng Fort, RGD, Playboy, Twomoon, at H & P cigarettes.

 

Dinala ang mga nakumpiskang sigarilyo sa Police Station 1 para sa dokumentasyon at nakatakdang i-turn over sa Philippine Tobacco Institute para sa kaukulang disposisyon.

Comments

Chat Online