Offline
BUY-BUST SA SUBIC BAY FREEPORT ZONE, DALAWANG SUSPEK ARESTADO
By Administrator
Published on 08/02/2026 12:25
News

Dalawang bagong natukoy na indibidwal ang naaresto sa isang buy-bust operation bandang alas-3:00 ng hapon noong Pebrero 6, 2026, sa kahabaan ng NGCP Causeway Road, Subic Bay Freeport Zone, Olongapo City.

 

Ang operasyon ay isinagawa ng City Police Drug Enforcement Unit (CPDEU) bilang lead unit, katuwang ang Law Enforcement Department at Intelligence and Investigation Office ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA), sa ilalim ng Target Intelligence Packet (TIP) Control No. B-2026-004-PRO3-OCPO-CDEU.

 

Nasamsam mula sa mga suspek ang limang heat-sealed plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na humigit-kumulang limang gramo, na may tinatayang Standard Drug Price na ₱34,000.00. Narekober din ang isang ₱500.00 bill na ginamit bilang buy-bust money.

 

Ang mga naarestong suspek ay kapwa lalaki—isang 58-anyos na walang trabaho at residente ng NGCP Causeway Road, Subic Bay Freeport Zone, at isang 47-anyos na vendor na residente ng Pastolan Village, Hermosa, Bataan. Kapwa sila itinuturing na newly identified ng mga awtoridad.

 

Matapos ang operasyon, dinala ang mga suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya sa tanggapan ng CPDEU para sa kaukulang disposisyon at karagdagang imbestigasyon.

Comments

Chat Online