Offline
30-ANYOS NA LALAKI TIMBOG SA SEARCH WARRANT SA NEW ASINAN
By Administrator
Published on 01/02/2026 19:37
News

Inaresto ang isang lalaki dahil sa paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act, matapos ipatupad ang isang search warrant bandang alas-7:20 ng gabi noong Enero 30, 2026 sa No. 3 Lindayag Street, Barangay New Asinan, Olongapo City.

 

Isinagawa ang operasyon ng mga tauhan ng Police Station 3, Olongapo City Police Office, sa ilalim ng Target Intelligence Packet (TIP) Control No. I-2026-007-PRO3-OCPO-PS3. Ang search warrant na may bilang 2026-06 ay inilabas noong Enero 27, 2026 ni Executive Judge Richard A. Paradeza ng Regional Trial Court, Third Judicial Region, Olongapo City.

 

Ang suspek ay isang 30-anyos na Pilipino, binata, walang trabaho, at residente ng naturang lugar.

 

Nasamsam sa operasyon ang limang piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may tinatayang bigat na 4.07 gramo at tinatayang halaga na ₱27,676.00, kasama ang iba pang drug paraphernalia.

 

Dinala ang naarestong suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya sa Police Station 3 para sa kaukulang disposisyon.

Comments

Chat Online