Dalawang indibidwal na kapwa nasa Street Level Individual (SLI) list ang inaresto sa isang anti-illegal drug buy-bust operation bandang 5:15 ng madaling-araw noong Enero 17, 2026, sa kahabaan ng Waterdam Road, Block 27, Barangay Gordon Heights, Olongapo City.
Ang operasyon ay isinagawa ng Police Station 5 – Station Drug Enforcement Unit (PS5-SPDEU) sa ilalim ng Target Intelligence Packet control number B-2026-002-PRO3-OCPO-PS5.
Ang mga suspek ay 38 at 35 taong gulang, kapwa lalaki, walang asawa, walang trabaho, at residente ng Block 27 Extension, Barangay Gordon Heights, Olongapo City.
Nasamsam mula sa mga suspek ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na humigit-kumulang 1.9 gramo, na may tinatayang standard drug price na ₱12,920, pati ang tatlong ₱100 na ginamit bilang marked money.
Dinala ang mga inarestong suspek at ang mga ebidensya sa Police Station 5 para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.