Naaresto ng Police Station 1 ang isang SLI-listed na suspek sa isinagawang buy-bust operation bandang alas-7 ng gabi noong Enero 12, 2026 sa Afable Street, Barangay East Bajac-Bajac, Olongapo City.
Ang suspek ay 22 taong gulang, walang asawa, at residente ng Barangay Sta. Rita, Olongapo City. Sa operasyon na pinangunahan ng Drug Enforcement Unit ng PS1, nasamsam ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na humigit-kumulang 1.95 gramo at tinatayang halagang ₱13,260. Narekober din ang ₱200 na ginamit bilang marked money.
Ang suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya ay dinala sa himpilan ng Police Station 1 para sa wastong disposisyon at kaukulang pagsasampa ng kaso.