Isang indibidwal na nasa SLI ang nadakip ng Police Station 2 Drug Enforcement Unit sa isang buy-bust operation bandang 12:05 ng madaling-araw noong Enero 8, 2026, sa 5th Street, Barangay West Tapinac, Olongapo City.
Nasamsam sa operasyon ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na humigit-kumulang 0.48 gramo, na tinatayang nagkakahalaga ng ₱3,264. Narekober din ang ₱200 marked money at ₱50 personal na pera.
Ang naaresto ay 37 anyos, walang asawa, walang trabaho, at residente ng Barangay Gordon Heights. Isinagawa ang operasyon sa ilalim ng TIP Control No. B-2026-002-PRO3-OCPO-PS2, at dinala ang suspek at ebidensya sa PS2 para sa dokumentasyon at disposisyon.