Matagumpay na isinagawa ng PS4-SPDEU ng Olongapo City Police Office (OCPO) ang anti-illegal drug (buy bust) operation sa Santol Street, Purok 3, Barangay New Cabalan, alinsunod sa Target Intelligence Packet (TIP) na may control number B-2025-008-PRO3-OCPO-PS4.
Naaresto sa nasabing operasyon ang isang 32-anyos na lalaki na walang hanapbuhay at residente ng Amapola Street, Barangay Sta. Rita, Olongapo City. Ayon sa mga awtoridad, kabilang siya sa talaan ng mga Street-Level Individuals (SLI).
Nasamsam mula sa suspek ang tatlong (3) sachet ng hinihinalang shabu na may tinatayang kabuuang timbang na 2.5 gramo.
Batay sa Standard Drug Price (SDP), ang nakumpiskang droga ay may tinatayang halagang P17,000.00. Narekober din ang P200.00 na ginamit bilang marked money sa transaksyong isinagawa.
Dinala sa PS4 para sa kaukulang proseso ng dokumentasyon at imbestigasyon ang suspek at ang mga ebidensyang nakuha.