Offline
P176K HALAGA NG SHABU, NASAMSAM SA BUY-BUST OPERATION SA OLONGAPO
By Jaya Falsario
Published on 28/08/2025 18:03
News
Nakumpiska ng PS5-SPDEU at RSOG3 ang humigit-kumulang P176,120 halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang anti-illegal drug operation sa Magiting Street, Barangay Sta. Rita, Olongapo City noong Agosto 24, 2025, ganap na ika-11:25 ng umaga.
Timbog ang dalawang lalaking suspek — ang isa ay 35-anyos (SLI Listed) na residente ng Purok 6, Dito Sibul, Barangay Sta. Maria, Castillejos, Zambales, at ang isa naman ay 28-anyos na residente ng Maagap St., Phase 1, Fiesta Community, Castillejos, Zambales.
Nasamsam ng awtoridad ang walong sachet ng hinihinalang shabu na may tinatayang timbang na humigit-kumulang 25.90 gramo, kabilang na ang mga plastic sachets, pati na rin ang P500 bill na ginamit bilang buy-bust money.
Dinala ang mga suspek sa PS5 at kakasuhan sa paglabag sa R.A. 9165.
Comments

Chat Online