Nakumpiska ng PS4-SPDEU ang humigit kumulang nasa P40,800 halaga ng suspected shabu sa isinagawang anti-illegal drug operation sa Apitong Extension, Purok 6, Barangay Old Cabalan, Olongapo City noong Hulyo 13, 2025, ganap na ika-5:45 ng hapon.
Timbog ang 28 taong gulang na lalaki at residente ng nasabing lugar.Nasamsam ng awtoridad ang pitong (7) sachets ng hinihinalang shabu na may timbang na humigit kumulang 6 gramo, at 300-peso bill na marked money.
Dinala ang suspek sa PS4 at kakasuhan sa paglabag sa R.A. 9165.