Offline
BUYBUST IKINASA SA NEW BANICAIN; LALAKING 26-ANYOS TIMBOG
By Jaya Falsario
Published on 08/07/2025 11:26
News

Arestado ang lalaking suspek matapos mahulihan ng suspected shabu sa isinagawang anti-illegal drug operation ng PS2-SPDEU sa No. 2-A Luna Street, Barangay New Banicain, Olongapo City, ganap na ika-12:50 ng madaling araw noong July 5, 2025.

Tinatayang nasa 0.66 gramo ang nakumpiska sa suspek na 26 taong gulang at residente ng Donor Street, Barangay East Tapinac, Olongapo City.

Nasamsam ng awtoridad ang nasa P4,488 halaga ng hinihinalang shabu at P100 marked money.

Comments

Chat Online