Timbog ang 18 taong gulang na lalaki matapos mahulihan ng hinihinalang shabu sa ikinasang anti-illegal drug operation sa Purok 12, Old Cabalan, Olongapo City noong ika-11 ng Hunyo 2025, ganap na ika-6:50 ng gabi.
Inaresto ng kapulisan ng PS4-SPDEU ang suspek na isang SLI Listed at residente ng Forestry, Benneth Road, Barangay Old Cabalan, Olongapo City.
Nasa P3,740 halaga ng suspected shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad at P300-peso marked money.