Offline
BUYBUST IKINASA SA NEW CABALAN, 30-ANYOS NA LALAKI ARESTADO
By Jaya Falsario
Published on 09/06/2025 19:56
News
Timbog ang 30 taong gulang na lalaki matapos mahulihan ng hinihinalang shabu sa ikinasang buy-bust operation sa Rose St., Purok 5, New Cabalan, Olongapo City noong ika-4 ng Hunyo 2025, ganap na ika-11:45 ng gabi.
Inaresto ng kapulisan ng PS4-SPDEU ang suspek, isang SLI Listed, at residente ng Santol St., Purok 3, New Cabalan, Olongapo City.
Humigit kumulang nasa 0.60 ng suspected shabu ang nasamsam ng mga awtoridad na may standard drug price na P4,216, at 300php marked money.
Dinala sa PS4 ang suspek at kakasuhan sa paglabag sa R.A. 9165.
Comments

Chat Online