Arestado ang lalaking suspek matapos mahulihan ng hinihinalang shabu sa isinagawang anti-illegal drug operation ng PS2-SPDEU sa 6B Foster Street, Barangay New Banicain, Olongapo City, ganap na ika-1:25 ng hapon noong Hunyo 1, 2025.
Tinatayang nasa 0.86 gramo ang nakumpiska sa suspek na 41 taong gulang at residente ng Gordon Street, Barangay New Banicain, Olongapo City.
Nakumpiska ng awtoridad ang nasa P5,848 halaga ng suspected shabu at P200-peso bill marked money.