Nasamsam ng PS4-SPDEU ang humigit kumulang nasa P68,000 halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang anti-illegal drug operation (buybust) sa Mangga St., Purok 3, Brgy. New Cabalan, Olongapo City noong Mayo 20, 2025, ganap na ika-9:55 ng gabi.
Arestado ang 41 taong gulang na lalaki na residente ng 53 Santol St., Purok 3, Brgy. New Cabalan, Olongapo City.
Nakumpiska ng awtoridad ang limang (5) pirasong heat sealed plastic sachets ng hinihinalang shabu na may timbang na humigit kumulang 10 gramo, at 500-peso bill na buy-bust money.
Dinala ang suspek sa CPDEU at kakasuhan sa paglabag sa R.A. 9165.