Offline
P72K HALAGA NG HINIHINILANG SHABU NASABAT SA BARRETTO
By Jaya Falsario
Published on 08/05/2025 15:47
News
Nasamsam ng PS6-SPDEU ang nasa P72,012 halaga ng suspected shabu sa ikinasang anti-illegal drug operation sa Lacambra Street, Barangay Barretto, Olongapo City noong ika-5 ng Mayo 2025, ganap na ika-9:45 ng gabi.
Timbog ang lalaking suspek na 31 taong gulang at residente Purok 1, Barangay Roosevelt, Dinalupihan, Bataan.
Nakumpiska ng awtoridad ang tatlong (7) pirasong heat sealed plastic sachets ng hinihinalang shabu na may timbang na humigit kumulang 10.59 gramo, at 300-peso na buy-bust money.
Dinala sa PS6 ang suspek at kakasuhan sa paglabag sa R.A. 9165.
Comments

Chat Online