Arestado ang 56 taong gulang na babae matapos mahulihan ng nasa humigit kumulang 6.2 gramo ng hinihinalang shabu sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay West Tapinac, Olongapo City noong ika-1 ng Mayo 2025, ganap na ika-10:30 ng gabi.
Inaresto ng kapulisan ng PS2-SPDEU (Lead Unit) at City Intelligence Unit (CIU, OCPO) ang high-value individual (Regional Top Priority and former member of delisted Kit Rabanta Criminal Group, Target for COPLAN CHANCER) na residente ng 7th Street, Barangay West Tapinac, Olongapo City.
Nasamsam ng mga awtoridad ang P42,160 halaga ng suspected shabu, P50 personal money, at P500 na marked money.
Dinala sa PS2 ang suspek at kakasuhan sa paglabag sa Section 5, Section 26 in relation to section 5 and Section 11, under Article II of R.A. 9165.