Offline
LALAKI TIMBOG SA IKINASANG ANTI-ILLEGAL DRUG OPS SA NEW CABALAN
By Jaya Falsario
Published on 30/04/2025 16:06
News
Timbog ang lalaking suspek matapos mahulihan ng suspected shabu sa isinagawang anti-illegal drug operation ng PS4-SPDEU sa Gumamela Street, Purok 5, New Cabalan, Olongapo City, ganap na ika-6:00 ng gabi noong Abril 25, 2025.
Tinatayang nasa 1.20 gramo ang nakumpiska sa suspek na 37 taong gulang at residente ng 12th Street, Barangay Pag-asa, Olongapo City.
Nasamsam ng awtoridad ang nasa P8,160 halaga ng hinihinalang shabu at P300 marked money.
Comments

Chat Online